Capa da letra da música ako ang bagyo

ako ang bagyo

  • SHEAN
  • Lançada em 02/10/2026
  • Produzido por Corrgtd, Pao Lofranco

[Letra/Lyric ‘Ako ang bagyo’ – SHEAN]

Pinaikutan mo ‘ko, sumunod mundo ko nahilo
Hindi ko inakalang lalaki
Bumigat ang kalungkutan, mga luha ‘di napigilan
Hanggang ngayo’y bumubuhos pa rin

Matakot na kayo
Ako, ako ang bagyo

Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, “Sana ‘di kayo masaya”
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dahil ako, ako ang bagyo

Itinago na litrato, kunwaring hindi ko nakita
Takot ka sigurong masalanta ko siya
Tingin mo ba ‘di ko kaya? Gusto mo na gusto kita
Tinatali mo ‘ko sa pag-asa

Matakot na kayo
Ako, ako, ako ang bagyo

Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, “Sana ‘di kayo masaya”
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dilim ng paligid, buhos ng emosyon
Tunog ng pag-ibig sa sama ng panahon
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Gigibain ko mga pader niyo
Dahil ako, ako ang bagyo

Lahat ng hahawakan ko lagi, sa ‘kin na lumalayo
Lahat ng tao na nariyan, sa tuwing lalapit ay nasasaktan
At ‘pag nagsawa na sila sa akin, ‘pag wala na sa ‘kin na nakatingin
‘Pag hindi na ‘ko nakakatawa, ako ‘yong lagi na naiiwang mag-isa
Kahit pa nasubukan ko ang lahat ng makakaya ko
Hindi pa rin naman ‘yon sapat kung iisipin mo
Walang lalapit kung puro lang sugat ang matatamo nila
At sa tagal ko na binitbit, ang bigat nitong pag-ibig ko
Konting galaw mo lang ay kidlat na ‘gad sa dibdib ko
‘Di ko naman gusto na saktan kita
Kaya mag-ingat ka

Ako ang
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, “Sana ‘di kayo masaya”
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Kahit pa matunaw ako
Dahil ako, ako ang bagyo

 

 

Ficha técnica

  • Escrito por SHEAN
Logo Ikarus
Resumo das Políticas

Este site usa cookies para que possamos oferecer a melhor experiência de usuário possível. As informações dos cookies são armazenadas em seu navegador e executam funções como reconhecê-lo quando você retorna ao nosso site e ajudar nossa equipe a entender quais seções do site você considera mais interessantes e úteis.